Martes, Setyembre 13, 2016

Ang mga mukha ng pag-ibig

       Sa modernong panahon ngayon kung saan kahit na ang isang labing isang taong gulang na bata o  mababa pa ay mayroon ng kanya kanyang depenisyon ng pag-ibig. Pag-ibig na pinaniniwalaan ng iba at iba naman ay hindi naniniwala rito ng dahil sa kanilang mga nakaraan. Nakaraang hindi nila malimot limutan dahil labis silang naapektuhan. Ngunit bilang isang Kabataan nalalaman ba natin ang tunay na ibig sabihin ng salitang "PAGMAMAHAL" at kung ano ang iba't ibang mukha nito
      Ang pag-ibig ay maari mong maramdaman sa iba't- ibang paraan. Pag-Ibig na mayroong sari-sariling mukha na maari nating makita o maramdaman. Pag-Ibig na nagmula sa ating pamilya, ito ang pagmamahal na bumubuo sa pagkatao ng isng tao dahil ito ang unang at huli mong mararamdaman bilang isang tao. Ang pag-ibig ng isang Kaibigan ito ang pagmamahal na katulad ng sa pagmamahal ng isang pamilya ang kaibahan lamang nito ay mararamdaman mo ang pagmamahal na ito sa hindi mo kadugo o kamag-anak. Makikita ang pagkakaroon ng sapat na dahilan upang magkaroon ka ng karamay kapag dumating ang panahong wala kang makakaramay. Pag-ibig ng isang espesiyal na tao. Pag-ibig na maaring bumuo o sumira sa iyong pagkatao. Bumuo dahil ayon sa iba ang pagmamahal na mahahanap mo sa isang tao ay siyang bubuo sa nawawalang parte ng pagkatao mo at magbibigay ng kaligayahang hindi mo inaakalang mararanasan mo bilang isang tao. Ngunit mayroong pagkakataong ito rin ang magiging dahilan ng pagkasira ng pagkatao mo. Bakit ? Dahil sa sobrang pagmamahal natin sa taong inaakala nating nakatadhana na para sa atin ay nagagawa nating kalimutan nating bigyan ng halaga ang ating mga sarili ng dahil sa isang tao. Kapag dumating ang pagkakataong ito ay wag na wag mong kakalimutan ang isang pinakamahalagang pag-ibig na dapat nating lahat tanggapin at pahalagahan. Ang pagmamahala na handang iaalay sa atin ng ating panginoong Diyos. Siya lamang ang nag-iisang nilalang na handa tayong mahalin sa kabila ng lahat ng ating mga pagkakamaling nagawa sa ating buhay.
       Ito ang mga iba't- ibang uri o mukha ng pag-ibig na dapat malaman at taglayon ng isang tao. Pag-ibig na mahahanap sa ibat-ibang paraan at iba't-ibang pagkakataon. Pag-ibig na kusang dumadating sa hindi inaasahang pagkakataon.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento